Kapuso stars na nag-crossover sa ibang shows

Kamakailan lang ay napanood si Atty. Lilet Matias (Jo Berry) sa hit murder-mystery drama series na Widows' War nang tulungan niya sa isang kaso ang karakter ni Rita Daniela na si Rebecca laban kay Aurora Palacios na ginagampanan naman ni Jean Garcia.
Pero hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng crossover episodes ang mga serye ng GMA Network. Katunayan, nitong nakaraang taon lang ay napanood ang ilang bida ng mga Afternoon Prime series sa ilang Primetime series.
Sa isang pagkakataon pa ay nag-crossover din ang mga bida ng ilang Afternoon Prime series sa kani-kanilang mga show.
Tingnan sa gallery na ito kung sino-sinong Kapuso stars ang nag-crossover sa ibang show:











