Kapuso stars, nakisali sa AI 90s Yearbook Trend

Curious ka ba kung ano ang hitsura ng paborito mong artista noong highschool pa lang sila? Sa tulong ng artificial intelligence o AI, ilang celebrities ang nakisali sa latest AI 90's Yearbook trend sa social media.
Sa pamamagitan ng AI-generated pictures, ipinakita nila ang posibleng hitsura nila sa kanilang creative photos para sa high school yearbook.
Mula sa beauty queen na si Megan Young, Kapuso Soul Baladeer na si Garrett Bolden, at hanggang sa iba pang stars tulad nina Thia Thomalia at Mikael Daez, marami na ang sumabak sa bagong trend na ito.
Tingnan ang kanilang mga naging hitsura sa gallery na ito:


























