Kilalanin ang mga bida sa 'Beauty and The Guy'

Malapit nang magsimula ang pinakabagong Thai romantic comedy series na Beauty and The Guy na handog ng GMA Heart of Asia.
Pagbibidahan ito ng Thai superstars na sina Min Pechaya Wattanamontree at Metawin Opas-iamkajorn, na mas kilala sa pangalang Win Metawin.
Iikot ang istorya nito sa kuwento ni Irene (Min Pechaya Wattanamontree), isang babae na kilala bilang hot-tempered at strict boss sa kaniyang kumpanya; at ng kanyang ex-boyfriend na si Jonah (Metawin Opas-iamkajorn), isang cute na veterinarian.
Lumipas ang ilang taon, muli silang magkikita. Sa kanilang pagtatagpo, malalaman nilang walang nagbago sa kanilang relasyon. Mahal pa rin nila ang isa't-isa ngunit paano kaya nila ipagpapatuloy ang kanilang naudlot na love story kung marami na ang humahadlang dito?
Ang Beauty and The Guy ang isa sa mga pinag-usapang Lakorn series noong 2022.
Huwag palampasin ang kanilang mga nakakakilig na eksena sa Beauty and The Guy simula July 24, Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m., sa GMA.
Samantala, kilalanin ang iba pang cast ng Beauty and The Guy sa gallery na ito.






