KILALANIN: Ang original singer ng 'Dayang Dayang'

Dekada 90 pa ng sumikat ang kantang "Dayang Dayang" sa Pilipinas, ngunit hanggang ngayon sinasayaw pa rin ito sa iba't ibang lalawigan sa Pilipinas, lalo na sa mga party at reunion.
Kahit marami ang hindi nakaiintindi sa lyrics nito, marami ang naaliw sa tunog nito. Kaya inalam ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang istorya sa likod ng 90's hit na kinagiliwan ng buong bansa.
May mga naniniwala na ang "Dayang Dayang" hango sa salitang Tausug. "Kapag sinabi kasi nating 'Dayang Dayang,' this is a first order princess from the Tausug culture,' ayon kay Ameerah Dimacisil Milano, isang Moro and Development Scholar mula sa Blue Mosque, National Commission on Muslim Filipinos.
Nakapanayam ng KMJS ang vlogger na si Capo, na dinayo ang probinsya ng Tawi-Tawi, kung saan nakatira pala ang original singer ng "Dayang Dayang" na si Hainun o Nur-Ainun Pangilan. Kilalanin sa gallery na ito:






