News

Kim Domingo, ipinakilala ang Thai BF; nag-react sa akusasyon ni Xian Gaza

GMA Logo kim domingo
Source: Kim Domingo (FB)

Photo Inside Page


Photos

kim domingo



Binasag na ni Kim Domingo ang kanyang katahimikan sa samu't saring espekulasyon tungkol sa kaniyang lovelife.

Sa isang mahabang statement sa Facebook ngayong Sabado, May 9, buong pusong ipinakilala ng sexy actress ang Thai boyfriend, na tatlong taon na niya umanong karelasyon.

Dito, ipinaliwanag ng Kim kung bakit niya piniling gawing pribado ang kaniyang relasyon.

“Madaming nagtatanong sakin kung totoo ba or hindi. Isa lang po ang isasagot ko. Kayo na ang bahala. Dahil kung itatanggi ko, meron at meron pa ding masasabi. Kung sasabihin ko naman na totoo, meron at meron pa ding masasabi. Madami na ang tao ang humatol sakin agad.

“Bakit ngayon mo lang nilabas boyfriend mo kung kailan may issue?“

“Sa loob po ng tatlong taon, nilayo ko sa mata ng publiko ang pribado kong buhay. Siguro naging lesson na din sakin ang past relationship ko na isinapubliko ko noon ngunit hindi naging maganda ang kinalabasan. Nasira ang kanya kanya naming buhay. Iskandalo dito, iskandalo doon. At yun ang iniiwasan ko ng maulit.”

Ayon pa kay Kim na naging 'second home' niya ang Thailand at naging very supportive ng kaniyang boyfriend sa showbiz career niya dito sa Pilipinas.

“For the past years, [T]hailand ang naging pangalawa kong tahanan. Kahit may trabaho ako, lumilipad ako doon para makahinga. Doon ko nahanap ang peace and safety na hindi ko mahanap hanap dito sa pilipinas. Doon simpleng tao lamang ako. Hindi po ako si Kim Domingo doon.” Lahad ni Kim Domingo.

Dagdag niya, “Kung hindi man ako makapunta ng thailand, partner ko ang pumupunta dito sa pilipinas. Sa mga past events ko, hindi alam ng madami na nasa tabi tabi lang sya. Nagmamasid. Nanonood. Tahimik na sumusuporta sa akin. Walang nakaalam kundi ang mga taong malalapit sa akin.

"Kung minsan kahit sa taping, nasa loob lamang sya ng sasakyan, ilang oras akong hinihintay hanggang sa matapos ang trabaho ko. Ganun ka- supportive ang partner ko pero tahimik lang kami. Ganoon namin iningatan ang relasyon namin dalawa.

"Pero dahil may lumabas na balita tungkol sakin, napilitan ako na ilabas sya bilang respeto na din sakanya at sa pamilya nya at tingin ko na dapat malaman ninyong lahat na ang current partner ko po ay isang Thai national. We've been together for 3 years."

Kim Domingo and her BF

Source: Kim Domingo (FB)

Nagbigay din ng mensahe ang dating Bubble Gang babe sa social media personality na si Xian Gaza, na iniuugnay ang kaniyang pangalan sa isang pulitiko.

Binigyan-diin ng aktres na 'walang siyang galit' kay Xian.

Saad niya sa Facebook, “To Mr. Xian, wala akong galit sayo. Ikaw lang ang nakakaalam ng rason kung bakit mo yan ginagawa. Or kung bakit mo iyan kailangan gawin. Hindi ko sasabihin na sinungaling ka, hindi ko din sasabihin na nagsasabi ka ng totoo.

"Hindi ko din sasabihin na masamang tao ka. Bahala na ang mga tao ang humusga sa atin. Hindi din ako maghahangad sayo ng masama. Bagkus, hinihiling ko na magkaroon ka ng peaceful life, more blessings at more happiness pa sa buhay mo. After ng lahat ng ito, respeto pa din po ang ibabalik ko sayo.

“At sa mga taong nanghusga, bumatikos sakin, at mga taong hinila ako pababa na ang karamihan ay mga kapwa ko babae pa. Maraming salamat pa din sa inyo. You are all forgiven. At gusto ko malaman nyo, kahit anong ipukol nyo sakin, nakayakap ang nasa itaas sakin.

"Pinagdasal ko na din po kayong lahat na sana mahanap nyo din ang peace at tunay na kasiyahan sa mga buhay nyo. Dahil sa paguugali na pinakita nyo, alam ko na hindi kayo totoong masaya at may kulang sa buhay nyo.

“Iba ang taong walang kaaway, kagalit or sama ng loob sa kahit sino man. Kahit gaano pa kasama at kasakit ang ibalik sayo ng mundo. Kapag may grateful and forgiving heart ka, napakasaya at napakapayapa ng isip at puso mo. Yun ang hinding hindi mabibili ng pera.”

Humaharap man si Kim Domingo sa matinding kontrobersya, nanatili naman positibo ang kaniyang pananaw at pinatitibay daw siya ng kaniyang pananampalataya,.

“I'm truly grateful sa Panginoon kung nasaan man ako ngayon. Minsan mahirap ang dadaanan ko pero alam ko after non, may naghihintay sakin na napakagandang pangyayari. Everything happens for a reason. Kasama ko ang pamilya ko, mga tunay kong kaibigan at ang taong pinakamamahal ko. Masayang masaya kami.”

Samantala tingnan ang sexiest photos ni Kim sa gallery na ito:


Kim
Lineage
Kimnatics
Kim in jeans 
Lady in red
Flaunt it
Flawless
Rawr
Darling
Juan Happy Love Story
Gym rat
Pose pa more!
Bubble Gang taping
Dream girl
Sexiest legs ever
Life is not fair
Pantasya
Wacky
Chameleon
Babe
Confidence
Bashing
FHM
Wet look
Want
Funny
Bare
Real

Around GMA

Around GMA

ASEAN leaders renew call for 'self-restraint' in South China Sea
Marian Rivera launches Vida Essentials line via six-hour live selling session
Riding-in-tandem, binaril ang asong humabol sa kanila sa Ramon, Isabela | One North Central Luzon