Kitchie Nadal, kamusta ang naging buhay sa Spain?

Matapos ang ilang taon nang pagpe-perform bilang isang bandista at singer, lumagay sa tahimik ang singer-songwriter na si Kitchie Nadal at namalagi sa Madrid, Spain, simula noong 2015.
Matatandaan na nagpakasal si Kitchie sa Spanish journalist na si Carlos López noong 2015 sa Tagaytay at taong 2017, ay namalagi na sila sa Spain. Muling nagbalik sa Pilipinas ang naturang singer para magtanghal sa concert noong nakaraang taon at ngayon.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong July 21, kinamusta ni King of Talk Boy Abunda ang naging buhay ni Kitchie sa Spain. Tanong ng batikang host, sa kabila ng tagumpay na nakamit niya noon, bakit niya piniling umalis?
Sagot ni Kitchie, “Love. Of course, love. I married a Spanish guy, nagkakilala kami sa isang -- yeah, Yolanda, we were both volunteers. And then 'yun, ang bilis na-develop. He decided to stay, and we got to know each other more, and 'yun, we got married, we had a baby. When we had a baby, we decided to move to Spain.”
Alamin ang naging buhay nina Kitchie at ng kaniyang pamilya sa Spain sa gallery na ito:









