Kris Aquino sa kanyang kondisyon ngayon: 'I really want to stay alive'

GMA Logo kris aquino

Photo Inside Page


Photos

kris aquino



Nananatili pa ring positibo ang Queen of All Media na si Kris Aquino matapos ma-diagnose ng ikalimang autoimmune illness.

Sa panayam ng matalik niyang kaibigan na si Boy Abunda sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ngayong February 14, araw ng ika-53 taong kapanganakan ni Kris, inihayag niya ang kanyang mga realization sa gitna ng pakikipaglaban sa matitinding sakit.

"Pahiram na lang ito ng Diyos, binigyan ako ng bonus so whatever days are left, kung ano man ang natitira, is a blessing but I really want to stay alive. I mean, sino ba naman ang sasabihin na handa na ako mamatay?"

Sa kanyang 53th birthday, punong-puno ng gratitude ang batikang TV host sa kanyang mga tagahanga at kinuha rin ang oportunidad na magpasalamat sa mga taong nagdarasal sa kanyang paggaling.


"'Di ko kayo bibiguin dahil sumuko ako, wala sa pananaw ko sa buhay na pwedeng sumuko, kailangan lumaban. 'Di ko ipapahiya ang sarili ko sa inyo dahil binigyan n'yo ako ng pinakamagandang regalo, 'yung pagmamahal ninyo at 'yung pagsuporta ninyo, pagdarasal ninyo dahil wala naman akong nagawa para sa inyo pero kayo sobra 'yung binibigay n'yo sa 'kin na lakas because I know na you're praying for me and that's the biggest gift anyone can give."

Sa panayam, umiral din ang pagiging ina ni Kris sa kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

"Bimb is only 16. I made a promise to him na until he becomes an adult, I will really do everything, lahat gagawin ko dahil hindi naman sikreto sa mga tao na Josh falls under the autism spectrum. Ako lang mismo ang nagpalaki doon sa dalawa. Kailangan pa nila ako."

Dagdag pa niya, gusto pa niyang mabuhay nang matagal para maging stage mother sa mga ito.


"I refuse to die. Talagang pipilitin ko ang next chapter ko is to become a stage mother. I want to still be here when I'm 63."

Narito ang iba pang highlights ng panayam ng King of Talk sa Queen of All Media.


Low hemoglobin count
Inflammation
Unavailability of needed medicine in the Philippines
Fifth autoimmune illness
Cardiovascular disease
Biologics
Lung complications
Allergic to several medicines

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ