Kumusta na ngayon si Dolly De Leon matapos maging isang internationally-acclaimed actress?

Ilang buwan matapos kilalanin bilang first Filipina actress na nanomina sa prestihiyosong Golden Globe Awards at British Academy Film Awards (BAFTA) bilang Best Supporting Actress para sa international film na Triangle of Sadness, hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Dolly De Leon sa mga papauri at pagkilalang kaniyang natatanggap.
Sa Fast Talk with Boy Abunda, masayang sumalang si Dolly sa isang one-on-one interview kasama ang batikang TV host na si Boy Abunda kung saan ikinuwento niya ang estado ng kaniyang buhay ngayon.
Narito ang ilan sa mga mahahalagang detalye ng kumustahan nina Dolly at Boy:







