Kuwento ni Anthony Rosaldo, bibigyang-buhay ni Ken Chan sa '#MPK'

Kuwento ni Kapuso singer Anthony Rosaldo ang tampok sa brand new episode ng '#MPK' o 'Magpakailanman.'
Lalo pang dapat abangan ang episode dahil si Kapuso actor Ken Chan ang gaganap bilang Anthony.
Bata pa lang si Anthony ay nakikitaan na siya ng talento sa musika at pag-awit.
Dahil na rin sa mga pinagdadaanan ng kanyang pamilya, susugal si Anthony na umalis sa kanyang hometown sa Samar at lumuwas ng Maynila para subukang maging isang singer.
Iba't ibang auditions ang pinupuntahan ni Anthony pero sadyang hindi siya pinapalad.
Ano ang magiging big break ni Anthony? Makakaapekto ba sa pangarap niya ang cancer diagnosis ng kanyang ama?
Abangan 'yan sa brand new episode na "Song for Daddy: The Anthony Rosaldo Story," October 14, 8:00 p.m. sa '#MPK.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng '#MPK.'
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






