Encantadia Chronicles: Sang'gre
Kylie Padilla, ipinasilip ang fight scenes ni Amihan sa 'Sang'gre'

May bagong pasilip si Kylie Padilla sa aabangan sa kanyang pagbabalik bilang Amihan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa social media, ipinarating ni Kylie na na-miss niyang maging warrior. Ipinakita rin niya ang ilang behind-the-scenes ng fight scenes bilang Amihan sa Sang'gre.
"Nakaka-miss din maging warrior. Puro snippet lang muna. Abangan n'yo na lang. Estasectu," sulat ng aktres.





