Kyline Alcantara, sinagot ang intriga na nagparetoke siya ng pisngi

Kinaaliwan ang second part ng kulit video ng Asia's Romantic Balladeer na si Christian Bautista kung saan nagpapapirma ito ng autograph ng mga old photo ng kaniyang celebrity friends at colleagues.
Isa sa mga na-feature sa kaniyang Instagram video ang Shining Inheritance star na si Kyline Alcantara.
Tawang-tawa ang Sparkle actress nang ipinakita uli ng The Clash judge ang throwback photo niya sa soap na Annaliza.
Dito, may pahaging din siya sa mga tao na nang iintriga sa kaniya na nagparetoke raw siya ng kaniyang cheeks.
Sabi niya sa online content ni Christian, “Pinaghandaan n'yo po ito.
“Sa mga nagsasabi po nagparetoke po ako ng cheekbones, tignan n'yo po sobra-sobra pa po 'yung cheekbones. Gusto ko na bawasan.”
Nauna nang nagsalita si Kyline tungkol sa plastic surgery rumors tungkol sa kaniya sa isang vlog noong 2022.
“Dahil sa mga childhood pictures ko, akala ng iba na nagparetoke ako ng cheekbones. Kasi ang ganda-ganda raw po ng cheekbones ko, so guys, wala po 'yang filler,” lahad ni Ky.
Samantala, kilalanin sa gallery na ito ang mga celebrity na umamin nag-undergo ng plastic surgery.



































































































