Lalaking buhay-binata, makakatanggap ng big surprise sa 'Regal Studio Presents: Instant Daughter'

Mag-celebrate ng Father's Day kasama ang bagong episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Instant Daughter," kuwento ito ng isang lalaki na makikilala ang kanyang teenage daughter for the first time.
Party boy at walang gaanong siniseryoso sa buhay si Colin (Ahron Villena) hanggang ma-diagnose siya ng malubhang sakit.
Lalo pang magbabago ang kanyang buhay sa pagdating ni Janine (Jane Mounter), na nagpapakilalang long-lost daughter niya.
Makakabawi ba si Colin kay Janine o huli na ba ang lahat?
Huwag palampasin ang brand-new episode at Father's Day special na "Instant Daughter," June 21, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






