News

Lars Pacheco confirms arrest of alleged investment scammer involved in Rufa Mae Quinto's case

GMA Logo Lars Pacheco
Photo by: Lars Pacheco (FB)

Photo Inside Page


Photos

Lars Pacheco



Kinumpirma ng transwoman beauty queen at social media personality na si Lars Pacheco na naaresto na si Chanda Atienza, ang utak umano ng Dermacare investment scam, kasama ang kapatid nito noong Biyernes, August 21, sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa kanyang Facebook page, ipinakita ni Lars ang video ng pag-aresto kay Chanda at sa kapatid nito, na aniya ngayon ay nasa ilalim na ng Malaysian Police Interpol.

"Nawa ito na ang unang hakbang para makamit ang hustisya ng mga taong biktima ng investment scam na ito," sulat niya.

Sa isa pang video, ibinahagi ni Lars ang video habang nasa Kuala Lumpur at ikinuwento ang pakikipagtulungan sa local police.

"Ngayon po, nandito tayo sa Kuala Lumpur, Malaysia dahil mayroon po tayong isang task na gagawin dito. Ayan, kung naaalala n'yo po ang Dermacare scam na maraming mga tao ang naloko at 'yung mga sangkot po at ang responsable po para sa scam na 'yon ay nandito sa Malaysia,” sabi niya.

"So we're all trying our best na mahuli at maipakulong po sila sa Pilipinas. Pero ngayon po ay nakipagtulungan tayo sa local police ng Kuala Lumpur para po maisagawa ang arrest para sa kanila," dagdag pa ni Lars.

Matatandaan na nasangkot din sa investment scam issue ng nasabing derma company ang mga aktres na sina Rufa Mae Quinto at Neri Naig, na dating brand ambassadors nito.

READ: Rufa Mae Quinto, nahimatay sa stress nang masangkot sa kaso

READ: Neri Naig tinuturing na 'bangungot' ang kaniyang pagkaka-detain

Samantala, tingnan dito ang iba pang celebrities na ginamit ang pangalan para ipang-scam:


Sanya Lopez
Scam alert
Warning
Kyline Alcantara
Fraudulent messages
Do not respond
Max Collins
Block the number
Ysabel Ortega
Do not respond or engage
Direk Mark Reyes
Scammer alert
Rufa Mae Quinto
Anne Curtis
Michael V
Gary Valenciano
Richard Yap
Letter
Jennylyn Mercado
Legal action
Marvin Agustin
AI
Rufa Mae Quinto
No financial support needed
Ninong Ry
Maging mapanuri

Around GMA

Around GMA

Strong 6.7-magnitude quake strikes southern Peru — USGS
Man lands in hospital after fire razes home in Bacolod
Otherworld Festival Manila is happening this November