Magpakailanman

Life story ng viral na yaya, tampok sa 'Magpakailanman'

GMA Logo Viral Yaya

Photo Inside Page


Photos

Viral Yaya



Makaka-relate ang maraming OFW or overseas Filipino workers sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Pinamagatang "Viral Yaya: The Nolyn Galang Story," kuwento ito ng isang OFW at mga pagsubok na pinagdaanan niya.

Nagtatrabaho bilang yaya si Nolyn sa pamilya Wright na nakabase sa Hong Kong.

Napamahal na si Nolyn sa pamilya kaya nang lumipat ang mga ito sa Singapore, sumama siya at nanatili sa kanilang serbisyo.

Pero tumatanda na mga magulang na naiwan niya sa Pilipinas at kailangan nila ang kanyang aruga.

Magkakaroon pa ba ng pagkakataon si Nolyn na makapiling ang nanay at tatay niya?

Abangan ang brand-new episode na "Viral Yaya: The Nolyn Galang Story," February 7, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Rikki Mae Davao
Parents
Family
Home
Lead
Nolyn Galang
Viral Yaya: The Nolyn Galang Story

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 still up over 32 areas as Basyang weakens into tropical depression
Siquijor, Bohol suspend work in government offices
BTS unveils a new version of their light stick