LOOK: Celebrity guests star in 'Abot Kamay Na Pangarap'

Milyon-milyong Pinoy viewers ang hook na hook sa medical drama na 'Abot-Kamay Na Pangarap.'
Bukod sa istorya at mga karakter nito, naging kaabang-abang din ang ilang artistang napanood bilang guest actors sa serye.
Ilan sa mga napanood na rito bilang guests ay ang Legaspi twins na sina Cassy at Mavy Legaspi, Lianne Valentin, Arny Ross, Manilyn Reynes, Pokwang, at Gladys Reyes.
Minsan na ring napanood sa serye ang 'Black Rider' stars na sina Ruru Madrid, Empoy Marquez, at Herlene Budol.
Mapapanood na ang finale episode ng award-winning afternoon series sa Sabado, October 19.
Kilalanin ang ilang celebrities na napanood at kasalukuyang napapanood sa 'Abot-Kamay Na Pangarap' sa gallery na ito.

































