LOOK: Gladys Reyes's unica hija Gianna Aquisha is now a teenager!

Ipinagdiwang ni Kapuso actress Gladys Reyes ang 13th birthday ng kanyang unica hija na si Gianna Aquisha Roxas.
Sa pamamagitan ng throwback photos sa Instagram, binati ni Gladys ang kanyang anak, "Happy 13th birthday to my only daughter, Gianna! You will always be my baby. Mommy and Daddy love you forever bestie!
"Napapa-hay! na lang ako sa bilis ng panahon. Happy birthday anak, basta ako pa rin ang bestie mo ok?" dagdag pa ng aktres.
Nagpaabot din ng pagbati ang ilan sa mga kaibigang artista ni Gladys na sina Judy Ann Santos, Manilyn Reynes, Kristina Paner, at Arra San Agustin.
Pangalawang anak nina Gladys at Christopher Roxas si Gianna. Mayroon silang tatlong anak na lalaki--sina Gian Christopher, 15; Grant Carlin, 10; at Gavin Cale, 4.
Tulad ng kanyang ina, go rin si Gianna sa pagsabay sa mga hilig nito tulad na lamang ng pagsasayaw at pagpe-perform. Sa katunayan, bumida si Gianna sa kanilang school's rendition ng classic 'Wizard of Oz' bilang si Gorothy.
Isa ring K-pop fan ang anak ni Gladys at tulad ng marami iniidolo rin niya ang sikat na Korean boy group na BTS.









