LOOK: Jeric Gonzales and Rabiya Mateo's sweetest photos

Marami ang na-excite at kinilig nang kumpirmahin nina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo ang kanilang relasyon.
Bukod sa sweet photos na ibinahagi nila sa Instagram, mababasa rin kung gaano kamahal nina Jeric at Rabiya ang isa't isa sa palitan nila ng 'I love you.'
Sa post ni Rabiya, ipinakita niya ang masayang adventure nila sa Bohol, maging ang video habang buhat-buhat siya ng aktor pababa ng hagdan.
Nag-post din si Jeric ng mga nakakikilig nilang larawan at video mula sa kanilang tila naging bakasyon.
Unang nagkasama sina Jeric at Rabiya sa isang episode ng 'Wish Ko Lang' noong Nobyembre.
Tingnan ang ilan sa sweetest photos nina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales sa gallery na ito:


















