GMA Logo Rabiya Mateo and Jeric Gonazales
What's Hot

Rabiya Mateo, gagawing pambayad utang ang nobyong si Jeric Gonzales sa 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published November 25, 2021 6:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Rabiya Mateo and Jeric Gonazales


Abangan sina Rabiya Mateo, Kim Rodriguez, at Jeric Gonzales sa "Magkaibigan" episode ng 'Wish Ko Lang.'

Viral ngayon ang teaser ng “Magkaibigan” episode ng bagong Wish Ko Lang na mayroon nang 1.2 million views sa Facebook.

Ngayon Sabado, mapapanood sina Rabiya Mateo at Kim Rodriguez bilang ang mag-BFF na sina Rita at Mariel, na parehong iibig kay Dennis (Jeric Gonzales).

Sa teaser, mapapanood kung paano gagawa ng paraan si Rabiya na mabayaran ang PhP 300,000 na pagkakautang kay Kim, na nagawa niya dahil sa biglaang pagkakasakit ng ina.

Nagkataon namang may pagtingin din si Kim kay Jeric, nobyo ni Rabiya. Handa kayang iparaya ni Rabiya ang pagmamahal kay Jeric mabayaran lamang ang pagkakautang sa kaibigan?

Makakasama rin nina Rabiya, Kim, at Jeric sa “Magkaibigan” episode ng bagong Wish Ko Lang sina Joyang, Sue Prado, at Lovely Rivero.

Huwag palampasin ang upcoming episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, November 27, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, mas kilalanin pa si Kapuso actress Rabiya Mateo sa gallery na ito: