LOOK: 'Maria Clara at Ibarra,' 'Voltes V: Legacy' cast, nakisaya sa Sinulog Festival 2023

Naghatid ng saya ang ilan sa cast ng pinag-uusapang primetime series ng GMA na Maria Clara at Ibarra at upcoming live action series na Voltes V: Legacy sa isinagawang Kapuso mall shows ng GMA Regional TV kasabay ng pagdiriwang ng Sinulog Festival 2023 sa Cebu City kamakailan.
Kabilang sa mga Kapuso stars na ito ay sina Julie Anne San Jose, Andrea Torres, Juancho Trivino at David Licauco ng Maria Clara at Ibarra. Present din sa hiwalay na mall shows sa Cebu ang main cast ng Voltes V: Legacy na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho.
Mainit naman na sinalubong ng mga Kapusong Cebuano ang Kapuso stars, patunay na rito ang dami ng fans na sumugod sa venue ng nasabing mall shows.
Silipin ang masayang pagbisita ng Kapuso stars sa Cebu sa gallery na ito:



















