LOOK: Sweetest scenes from Angelica Panganiban and Gregg Homan's engagement vlog

Soon-to-be Mrs. Homan na ngayon ang aktres na si Angelica Panganiban matapos siyang mag-"Yes" sa engagement proposal sa kanya ng non-showbiz partner na si Gregg Homan.
Sa isang vlog na kanilang ipinost sa YouTube channel na 'The Homans,' nitong Sabado (October 8), ipinakita ni Gregg kung paano niya sinimulan ang proposal para sa aktres.
Naganap ang nasabing engagement sa isang beach habang nagbabakasyon ang dalawa noong ipinagbubuntis pa lamang ni Angelica ang kanilang anak ni Gregg na si baby Amila Sabine Homan.
Tingnan ang ilang sweet moments sa naging wedding proposal nina Gregg at Angelica rito.












