LOOK: The stunning photos of Glaiza De Castro

Eunice, Heidi, Althea, Pirena, at Beatrice, ilan lamang ito sa mga karakter na ginampanan ni Kapuso actress Glaiza De Castro at minahal ng mga manonood at tagahanga niya.
Maraming beses nang pinahanga ni Glaiza ang lahat sa husay niya sa pag-arte sa telebisyon at sa mga pelikula. Sa katunayan, hinahangaan na rin sa ibang bansa ang talento niyang ito at inalok na gumawa ng dalawang pelikula abroad.
Ang isa ay produced ng Canadian Film Society sa direksiyon ng isang Filipino-Canadian filmmaker. Sa South Korea naman gagawin ang isa pang pelikula kung saan may makakasamang Korean actors si Glaiza.
Huling napanood sa teleserye si Glaiza bilang si Maita sa GMA Afternoon Prime series na Nagbabagang Luha. Kasama niya sa teledramang ito sina Rayver Cruz, Mike Tan, Gina Alajar, Claire Castro, Allan Paule, Archi Adamos, Royce Cabrera at Myrtle Sarrosa.
Bukod sa pag-arte, isa ring mahusay na mang-aawit si Glaiza. Sa katunayan, nakapaglabas na ang aktres ng apat na albums: "Magbalik Ka," "Glaiza," "Synthesis" at "Magandang Simulain."
Hindi rin maikakaila ang natural na ganda at kaseksihan ng aktres kaya narito ang ilan sa stunning photos ni Glaiza De Castro:



































