Beauty
LOOK: The stunning photos of Glaiza De Castro

Eunice, Grazilda, Heidi, Althea, at Pirena, ilan lamang ito sa mga karakter na ginampanan ni Kapuso actress Glaiza De Castro at minahal ng mga manonood at fans niya.
Maraming beses nang pinatunayan ni Glaiza ang lahat sa husay niya sa pag-arte sa telebisyon at sa pelikula. Sa katunayan, hinahangaan na rin sa ibang bansa ang talento niyang ito at inalok na siyang gumawa ng pelikula abroad.
Bukod sa pag-arte, isa ring mahusay na mang-aawit si Glaiza. Sa katunayan, nakapaglabas na ang aktres ng ilang album gaya ng Magbalik Ka, Glaiza, Synthesis at Magandang Simulain.
Hindi rin maikakaila ang natural na ganda at kaseksihan ng aktres kaya narito ang ilan sa stunning photos ni Glaiza De Castro:







































