'Lovers/Liars' pilot episode, nag-trend online; umani ng papuri sa netizens

Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood sa Lovers/Liars, ang pinakabagong collaborations series ng GMA Network at Regal Entertainment.
Sa pilot episode nito noong Lunes, November 20, nag-trend sa X (dating Twitter) ang hashtag na "Lovers/Liars" kung saan ipinarating ng netizens ang kanilang excitement para sa serye.
Umani rin ng magagandang reaksyon mula sa mga manonood ang pagbabalik-teleserye ni Optimum Star Claudine Barretto at ang mahusay na pagganap nina Shaira Diaz, Yasser Marta, Rob Gomez, Kimson Tan, Michelle Vito, Sarah Edwards, Polo Ravales, Christian Vazquez, at Lianne Valentin.
Basahin ang ilang papuring natanggap ng Lovers/Liars sa pilot episode nito rito:









