Lyneth and Analyn vs Moira and Zoey: Gigil moments ng dalawang palaban na mag-ina sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'

Sina Lyneth at Analyn ay ang paboritong mag-ina ngayon ng milyon-milyong manonood, mapa-telebisyon man o online.
Ang gumaganap sa dalawang karakter na ito sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap ay sina Carmina Villarroel at Jillian Ward.
Ilang beses nang napatunayan ng kanilang mga karakter na kahanga-hanga ang kanilang tandem, ngunit tila mas lalo pa nila itong naipapakita dahil sa pang-aapi sa kanila ng mag-inang sina Moira at Zoey (Pinky Amador at Kazel Kinouchi).
Sina Moira at Zoey ay ang pamilya ni Doc RJ (Richard Yap), ang tunay na ama ni Analyn.
Silipin ang ilan sa kanilang fight scenes at gigil moments sa gallery na ito.









