Mag-anak na hindi nakapiling ang pamilya ng 10 taon, nagkita na!

Patuloy ang pagbibigay ng Unang Hirit ng saya at sorpresa sa kanilang week-long 24th anniversary celebration.
Sa ikalawang araw ng kanilang selebrasyon noong Martes, December 5, namahagi ang Pambansang Morning Show ng Pilipinas ng mga grocery package at appliances sa San Mateo, Rizal.
Bukod pa rito, tinupad ng Unang Hirit ang Christmas wish ng isang maswerteng ginang na nagngangalang Sheila Laroga. Bilang paunang regalo, binigyan siya ng programa ng grocery package at isang sakong bigas pang-Noche Buena.
Sampung taon nang hindi nakikita ni Sheila ang kanyang pamilya sa Albay, Bicol, dahil hindi siya nakakauwi rito dahil sa hirap ng buhay, lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 lockdown.
Kaya naman, ilang araw bago ang Pasko, muling nakapiling ni Sheila ang kanyang ama at ina na lumabas sa 'Giant Balikbayan Box' ng Unang Hirit.
Naging emosyonal ang magkakamag-anak sa muli nilang pagkikita matapos ang isang dekada.
Ito rin ang unang beses na nakita ng mga magulang ni Sheila ang dalawa nitong apo sa kanya.
Para lalong maging memorable ang kanilang reunion, binigyan din sila ng Unang Hirit ng 3 days, 2 nights staycation package at PhP5,000 cash.
Panoorin ang madamdaming reunion ng pamilya ni Sheila sa video sa itaas.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MASAYANG REUNION NG CELEBRITIES SA KANILANG MGA MAGULANG DITO:



















