'MAKA' stars and other celebs greet Ashley Sarmiento on her 18th birthday

Nagkaroon ng simpleng selebrasyon si Ashley Sarmiento para sa kanyang 18th birthday noong Lunes (January 13), kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.
Sa Instagram, ipinakita ng MAKA actress ang kanyang birthday celebration kung saan black and white ang theme.
"Can't believe I'm 18 already," sulat ni Ashley. "P.S. I love you, mom and sisters so so much, and Baby Oakley."
Sa kanyang special day, inulan ng pagbati si Ashley mula sa kanyang fans at kapwa celebrities. May special greetings din siyang natanggap mula sa MAKA co-stars na sina Marco Masa, Zephanie, Olive May, at May Ann Basa.
Tingnan ang mga pagbating natanggap ni Ashley Sarmiento sa kanyang 18th birthday sa gallery na ito:





