'Makiling' cast, grateful sa tagumpay ng nabuo nilang revenge drama

“Roller coaster ride.”
Ganito inilarawan ng main cast ng Makiling ang kanilang naging experience sa pagbuo ng tumatak at pinag-usapang pambansang revenge drama ng GMA.
Ilang araw matapos ang gigil finale episode nito, isa-isang nag-post sa social media ang main cast dahil sa kanilang pasasalamat sa tagumpay ng proyektong kanilang nagawa at sa nabuo nilang pamilya sa serye.
Ang bida ng Makiling na si Elle Villanueva, aminadong gusto niya pang ipagpatuloy ang kuwento ng serye kaya hiling niya na magkaroon ito ng book 2.
Grateful din sa nasabing revenge series ang iba pang main cast gaya nina Derrick Monasterio, Kristoffer Martin, Thea Tolentino, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Teejay Marquez, at Claire Castro.
Sa kanilang mga social media account, ibinahagi ng cast ang ilang mga larawan kasama ang buong production team ng series kalakip ang kanilang mensahe at baong kuwento mula sa kanilang magandang experience sa serye.



















