Marco Masa announces senior high school graduation; fellow celebrities send congratulations

Hindi biro para sa Sparkle heartthrob na si Marco Masa na pagsabayin ang kaniyang showbiz career at pag-aaral. Kaya naman ganoon kasaya ang former Pinoy Big Brother housemate na finally ay graduating na siya ng senior high school.
Nag-post ang Pepito Manaloto actor sa Instagram ng ilang shots niya sa graduation pictorial at sinabi niya ang saloobin niya tungkol sa big milestone na ito.
Pag-amin ni Marco, “Didn't think I'd make it through this school year after being inside the PBB house, but here we are.”
Taos-puso rin ang pasasalamat ng Kapuso actor sa teachers at pamunuan ng eskuwelahan niya sa pag-intindi ng sitwasyon niya bilang isang working student.
Aniya, “Grateful to God for the strength to keep going, and to OLFU, especially my teachers for understanding my situation and supporting me through it all.
Matapos niyang kumpirmahin sa social media na magtatapos na siya sa senior high school, maraming celebrities ang nagpaabot ng pagbati sa kaniyang achievement. Alamin kung sino-sino sila sa gallery na ito.





