Marco Masa, may pasilip sa Brighton Bay Ball episode ng 'You're My Favorite Song'

Patuloy na pinag-uusapan at nag-iwan ng matinding excitement sa mga manonood ang ginanap na grand Brighton Bay Ball episode ng hit GMA Afternoon Prime series na You're My Favorite Song (YMFS) noong nakaraang Biyernes, July 17.
Hindi lang sa telebisyon naramdaman ang matinding saya at emosyon dahil maging sa social media ay naging mainit din ang naging pagtanggap ng mga tagahanga sa mga tagpo sa serye.
At para mas lalong iparamdam ang kilig at saya sa mga tagahanga, nagbahagi ang Kapuso young heartthrob at lead actor ng serye na si Marco Masa ng kaniyang exclusive behind-the-scenes “photo dump” sa kaniyang Instagram account.
Hindi rin pinalagpas ng mga tagahanga ang tila tapatang visuals ng buong cast sa kani-kanilang mga grand ball gowns at dashing suits.
Ipinakita rin ni Marco ang kulitan at tunay na samahan ng buong cast sa likod ng camera.
Mas tumitindi pa ang mga eksena at pagsubok sa pag-ibig at pagkakaibigan! Subaybayan ang You're My Favorite Song, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 PM, pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime.
Silipin ang behind-the-scenes at off-cam photos ng YMFS cast mula kay Marco Masa sa gallery na ito.








