'Maria Clara at Ibarra' scene: Ang misteryosong binata na sumupresa kay Klay sa modernong mundo

Isang malaking sorpresa ang natanggap ng mga avid viewers ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Sa bandang huli ng ika-83 episode nito, may makikita si Klay (Barbie Forteza) na lalaking kamukhang kamukha ni Fidel (David Licauco) sa library ng kanilang paaralan.
Nagbahagi naman ng iba't ibang mga teorya ang ilang netizens tungkol sa lalaking ito, kabilang na ang posible pagha-halucinate ni Klay o kaya isang estudyante na pinasok din ni Mr. Torres (Lou Veloso) sa libro.
Dahil diyan, top trending topic sa Twitter Philippines ang official hashtag ng episode na #MCIEpilogo.
Patuloy na tutukan ang 'Maria Clara at Ibarra,' Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Maari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.
Samantala, narito ang isang exclusive sneak peek sa misteryosong binata na sosorpresa kay Klay sa modernong mundo sa 'Maria Clara at Ibarra.'









