GMA Logo David Licauco
What's on TV

'Maria Clara at Ibarra' viewers, may mga teorya tungkol sa kakatwang bagong litrato ni Fidel

By Marah Ruiz
Published January 25, 2023 5:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 15, 2025) | GMA Integrated News
Teen stabbed multiple times in DueƱas, Iloilo
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


May mga kakatwang bagay na napansin ang ilang 'Maria Clara at Ibarra' viewers tungkol sa bagong litrato ni Fidel.

Isang bagong litrato ni Fidel, ginagampanan ni David Licauco, sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra ang usap-usapan ngayon ng avid fans ng serye.

Sa official hashtag poster para sa episode ngayong gabi, January 25, makikita si Fidel na nakangiti habang nakasilip sa pagitan ng mga libro.

Napansin kaagad ng ilang eagle-eyed netizens na tila nasa modernong mundo si Fidel, lalo na at kababalik pa lang ni Klay (Barbie Forteza) dito.

Tila may lanyard din siya sa leeg kaya haka-haka ng iba na isa ring estudyante si Fidel sa modernong mundo.

Palagay naman ng iba ay isa itong hallucination ni Klay lalo na at naging emosyonal ang paghihiwalay nila ni Fidel.

Sa tingin naman ng iba, may kinalaman din ito sa pagpasok ni Klay sa mundo ng nobela.

Sino ang misteryosong lalaking ito? Si Fidel ba talaga siya?

Abangan 'yan sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Maari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.

SAMANTALA, NARITO ANG ISANG EXCLUSIVE SNEAK PEEK SA BAGONG YUGTO NG MARIA CLARA AT IBARRA: