Married couple, magpapaka-toxic sa 'Regal Studio Presents: Levin and Lisa Forever'

Tungkol sa married life ang bagong episode ng 'Regal Studio Presents.'
Sa episode na pinamagatang "Levin and Lisa Forever," kakaiba ang prenuptial agreement na pinirmahan ng isang young couple.
Nakasaad kasi dito na magbabayad ng sampung milyon ang unang ma-fall out of love.
Strained na ang relationship ng mag-asawang Levin (Kimson Tan) at Lisa (Arra San Agustin).
Pero dahil ayaw nilang magbayad ng malaking halaga, magpapaka-toxic sila para mapilitan ang isa't isa na maunang makipaghiwalay.
May pag-asa ba pa ang marriage nila o may maglalabas ng sampung milyon?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Levin and Lisa Forever," August 2, 2:00 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






