Fast Talk with Boy Abunda
May issue nga ba sa pagitan ng BGYO at BINI?

Sa kabila ng opinyon ng fans na ayaw nilang magkasama ang P-Pop groups na BGYO at BINI, nananatili pa rin umanong magkakaibigan ang dalawang grupo. Sa katunayan, sinusuportahan pa nga nila ang isa't isa sa kanilang mga proyekto o concert.
Bumisita sa Fast Talk with Boy Abunda ang mga miyembro ng BGYO na sina Gelo Rivera, Akira Morishita, Nate Porcalla, at JL Toreliza. Wala si Mikki Claver dahil masama ang pakiramdam nito ayon sa kaniyang mga kagrupo.
Alamin kung anong masasabi ng BGYO tungkol sa BINI sa gallery na ito:









