News
Meet 'Lipbite King' Romeo Gulla

Kinaaaliwan ang internet personality na si Romeo Gulla, o kilala rin bilang Meong Lipbite, dahil sa nakakatawa at relatable niyang mga content at sa dalang good vibes ng kanyang patok na patok na pakagat-labi expression.
Bukod sa pagiging content creator, napapanood na rin ngayon si Meong sa iba't ibang shows sa telebisyon at nakikipagsabayan sa aktingan sa GMA Afternoon Prime series na 'Kamao.'
Mas kilalanin si Meong Lipbite sa gallery na ito:









