Meet the cast of rom-com digital series 'From Vlog to Love'

Humanda nang kiligin sa pinakabagong digital series na From Vlog to Love na pagbibidahan nina Shuvee Etrata at Anthony Constantino, na gaganap bilang sina Angge at Bullet.
Kabilang din sa naturang serye ang mga Sparkle artists na sina Caitlyn Stave, Kiel Gueco. Kasama rin sina Christian Antolin, Marnie Lapus, Che Ramos-Cosio, at Ruby Ruiz.
Sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas sa 24 Oras kamakailan, ikinuwento ng Sparkle actress na dream project nila ni Anthony ang naturang serye.
“Ito talagang series na 'to, dream namin 'to ni Anthony. Siyempre din 'di ba, sa totoong buhay naman talaga, talagang nagliligawan kami.
"Palagi na lang akong nagdi-dream come true, pero guys, totoo po talaga, ang dami na pong pangarap na natutupad," pagbabahagi niya.
Excited naman si Anthony para mapanood ng viewers ang From Vlog to Love. Aniya, "I think that Shuvee and I are gonna have a lot of fun playing these roles because it's very like us and I'm just super excited for you guys to see this.”
Bukod dito, marami na rin ang nagbahagi ng kanilang excitement sa proyektong pagbibidahan nina Shuvee at Anthony.
Kilalanin ang cast ng From Vlog to Love sa gallery na ito.







