Meet viral Pinoy medical content creator Nurse Even

“Pretty check!”
Isa ito sa mga trademark na pinasikat ng “nurse ng bayan” na si Nurse Even o John Steven Soriano sa totoong buhay.
Ang professional nurse na ito ay nagtatrabaho sa United Kingdom at lubos na sumikat online sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2021.
Sa interview sa kanya ng Brigada noon, umamin si Nurse Even na kahit siya ay nagulat na pumatok ang content niya sa netizens.
“Nung una, pampalipas oras ko lang po talaga siya and then, ewan ko po, ang dami pong naaliw sa akin, mapa-nurse, mapa-doktor, mapa-pasyente, lahat na naka-relate na sa akin,” saad ni Nurse John.
Sa isa naman niyang vlog, umamin noon ang ating Kunars na hindi niya first choice ang pagiging nurse.
“First choice ko ba ang nursing? Hindi po.
“Tatay ko po ang may gusto na mag-nursing ako at bilang dakilang anak naman si Nurse Even, napaka-mabuting anak, masunurin. Sige na.
“Mag-nurse na tayo. Gusto kasi ng tatay ko na kahit isa sa kanyang mga anak e, merong nurse. So, siyempre dahil panganay ang Nurse Even, ako na ang nag-sacrifice dahil ako naman ang unang magka-college."
Kilalanin pa natin ang funny at witty na si Kunars Nurse Even sa gallery na ito:











