Mika Salamanca, doble-kayod sa paggawa ng task sa 'Sang'gre' at 'PBB'

Uy, Anaca (Mika Salamanca)! Alam ba ni Kuya na lumabas ka ng Bahay?
Umani ng maraming nakakaaliw na comments at reaction ang paglabas ni Mika Salamanca sa megaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre kagabi, June 17.
Ginagampanan ni Mika ang karakter ni Anaca, ang magical owl ni Kera Mitena (Rhian Ramos) na siyang spy nito sa mundo ng Encantadia.
Buhos naman ang kulit comments ng netizens at fans ni Mika na tila doble-kayod daw ito sa paggawa ng tasks sa Sang'gre at sa Bahay ni Kuya.
Kasalukuyang napapanood din kasi ang Sparkle actress sa hit reality show na Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.
Huwag bibitaw sa mga eksena sa Encantadia Chronicles: Sang'gre na mapapanood sa oras na 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Samantala, balikan ang ikalawang episode ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, dito:
RELATED FEATURE: Meet 'PBB Celebrity Collab' housemate Mika Salamanca











