Mikael Daez, all-out ang suporta sa pagiging Kpop fan ni Megan Young

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na malaking fan ng Korean Pop o K-Pop ang Royal Blood actress na si Megan Young. Ilang ulit na rin nagpakita ng suporta ang aktres sa mga iniidolo niyang mga artists sa pamamagitan ng panonood sa concerts nila at pagbibigay ng mensahe ng suporta.
Hindi rin lingid sa kaalaman ng marami na pagdating na todo suporta ang kanyang asawang si Mikael Daez sa pagiging fangirl ng dating beauty queen sa iba't-ibang Korean stars.
“Actually, sa totoo lang, hanggang today na lang 'yung suporta ko kay Megan. Last day na niya na puwedeng maging fan sa mga K-Pop K-Pop na 'yan, ayoko na 'yan,” pabirong sabi ni Mikael sa interview ng dalawa sa noontime news show ng GTV na Balita Ko.
RELATED CONTENT: Mahilig rin sa kape ang mag-asawang Megan Young at Mikael Daez:
Pero binawi rin naman agad ng aktor ang kaniyang sinabi at nilinaw na masaya siya hindi lang suportahan ang kanyang misis, kundi pati na rin ang maging fan boy din ng mga ito.
Pagbabahagi pa ng aktor, “We will be going to Korea very soon, and many more times in the future for it.”
RELATED CONTENT: Bakit sinasabing "cool" na married couple sina Mikael Daez at Megan Young? Alamin sa gallery na ito:
Taong 2022 nang ipahayag ni Mikael sa isang post na bukod sa pagsuporta niya sa kaniyang asawa sa pagiging fan girl nito ay nagdesisyon na rin itong maging parte ng ARMY, ang collective name ng fans ng K-Pop group na BTS.
“Hindi ko na matanggap ang pagiging army ni Bonez. Mukhang may napili na talaga siyang iba……at dahil dyan, pumili na rin ako ng iba kagaya niya!! :D :D :D hindi na ako pwedeng maging asawa ng army lang. level up na! hahaha. #JinVSSuga” sabi ng aktor.
Ayon kay Mikael, dahil sa suporta na ibinibigay ni Megan sa kanyang keyboard building at gaming journey ay naisip niyang dapat lang suportahan din niya ang kaniyang asawa sa mga bagay na gusto rin nito.
Panoorin ang buong interview nila dito:
Take a look at Megan Young's moments as a K-pop fan in this gallery:









