Mike Tan, laging tumatawag sa asawa at hinihiling na ipagdasal siya upang makaiwas sa 'temptasyon'

GMA Logo Mike Tan
Image Source: imiketan (Instagram)

Photo Inside Page


Photos

Mike Tan



Ibinahagi ng aktor na si Mike Tan sa Fast Talk with Boy Abunda ang kaniyang paraan upang makaiwas sa temptasyon.

Sa May 19 episode ng nasabing programa, sumalang sa isang panayam ang The Seed of Love stars na sina Mike at Valerie Concepcion kasama ang TV host na si Boy Abunda.

Bukod sa kanilang karera bilang mga artista, napag-usapan din nila ang kanilang mga personal na buhay at pamilya. Isa na rito ang kung paano nila iniiwasan ang mga makamundong temptasyon na bahagi ng kuwento ng kanilang serye na The Seed of Love.

“What do you do in moments when nariyan ang temptasyon?” tanong ni Boy.

Ayon kay Mike, sentro ng relasyon ng kaniyang pamilya ay ang Diyos kung kaya't isa sa kaniyang ginagawa upang makaiwas sa mga maling bagay ay pagdarasal.

Aniya, “Ako Tito Boy lagi kong tinatawagan 'yung wife ko or bago ako umalis ng bahay, lagi kong sinasabi sa kaniya na ipag-pray mo ako, kasi 'yung temptations nandiyan 'yan e, at hindi mo alam kung kailan ka mate-tempt or kung kailan ka ite-test ni God.”

Paglilinaw naman ni Mike, hindi pa siya talaga nalagay sa isang matinding temptasyon. “I think nakikita naman nila sa akin or doon sa kung papano ako magtrabaho or papano ako kumilos na medyo offlimits.”

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG BONDING MOMENTS NI MIKE TAN SA KANYANG MGA ANAK NA SINA TORI AT PRISCILLA:


First meeting
Tori
Priscilla
Multi-tasking
Pool time
Storytime
Ate Tori
Baby Priscilla
Baking
Business
Online class
Work
First birthday
Realization
Reunion
Outdoor adventure
New favorite place
Playing with the birds
Reunited 
Welcome back!
Role playing 

Around GMA

Around GMA

Bicam: P2-B Tulong Dunong budget for 2026 to fall under CHED
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'