My Guardian Alien: At the wedding of Carlos and Grace

GMA Logo Marian Rivera, Gabby Concepcion

Photo Inside Page


Photos

Marian Rivera, Gabby Concepcion



Napanood ang kasal nina Carlos at Grace sa My Guardian Alien nitong Martes, June 24.

Bago naganap ang big event na ito, matatandaan na naisakatuparan ni Ceph ang kanyang planong pagsabog sa wedding nina Carlos at Grace sa tulong ng kanyang mga tauhan.

Sa pag-uusap nina Emily at Ceph, sinabi ng una sa huli na alam ni Grace kung nasaan ang nanay nito. Nabanggit din ni Emily kay Ceph na alam ni Grace kung nasaan ang kuwintas na galing sa ina nito.

Bukod dito, narinig ni Venus ang pag-uusap ng mga tauhan ni Ceph tungkol sa mangyayaring pagsabog sa kasal nina Carlos at Grace.

Umeksena si Venus sa kasal para ipaalam sa lahat na mayroong bomba sa lugar. Matapos ito ay dumating din si Ceph at kinumpira na mayroong bomba sa loob ng venue. Sa kasamaang palad, sumabog ito at marami ang nadamay.

Ginamit naman ni Grace ang kanyang healing powers upang mapagaling ang mga nadamay sa naganap na pagsabog.


Samantala, umani ng 9.9 percent ang ratings ng naturang episode ng My Guardian Alien, ayon sa NUTAM People Ratings.

Silipin ang ilang larawan sa naganap na wedding nina Carlos at Grace sa gallery na ito.


Grace
Doy 
Joy
Wedding 
Venus
Ceph 
Healing 

Around GMA

Around GMA

Sino si Dr. Reginald Santos, ang asawa ni Carla Abellana? | GMA Integrated Newsfeed
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers