'My Guardian Alien,' 'Running Man Ph,' bigating celebrities, mapapanood sa week-long anniversary special ng 'Family Feud'

Simula na ng masasaya at matitinding hulaan ng top survey answers sa week-long anniversary special ng Family Feud.
Dahil two years stong na ang paboritong game show sa buong mundo, espesyal na linggo ang inihanda ng programa para sa loyal viewers nito.
Dito, mapapanood ang bigating teams na magtatapat-tapat sa hulaan upang makuha ang tumataginting na PhP200,000 jackpot prize.
Ang box-office king at game master na si Dingdong Dantes, hindi makapaniwala na two years strong na ang kanilang programa.
“Hindi namin akalain na aabot ng ganito, two years na ang Family Feud - dalawang taon nang nagbibigay weeknights halos araw-araw ng entertainment sa ating mga manonood kaya napakasaya ko na maging bahagi ng show na 'to.
“Nag-e-enjoy talaga ako habang ginagawa 'to. Kaya sana po maki-celebrate kayo kasama namin dahil gusto pa namin na mas tumagal pa itong show na 'to,” sabi ni Dingdong sa GMANetwork.com.
Alamin kung sinu-sino ang maglalaro sa anniversary week special ng Family Feud, DITO:















