'My Name is Kim Sam Soon' star Kim Sun-a is fit and fab at 50

GMA Logo kim sun a

Photo Inside Page


Photos

kim sun a



Naaalala n'yo pa ba si Kim Sun-a, ang aktres na bumida sa popular na 2005 K-drama na 'My Name Is Kim Sam Soon'?

Ginampanan niya ang karakter ng 30-year-old pastry chef na pinatunayang hindi hadlang ang panlabas na kaanyuan o edad pagdating sa pag-ibig. Na-in love sa kanya ang kanyang boss na si Cyrus, ginampanan ng South Korean actor na si Hyun Bin, na may-ari ng pinagtatrabahuhan niyang French restaurant.

Ipinalabas ang 'My Name Is Kim Sam Soon' noong 2006 sa Pilipinas at nagkaroon pa ito ng local adaptation noong 2008, na pinagbidahan nina Regine Velasquez at Mark Anthony Fernandez. Due to popular demand, muling ipinalabas ang original version nito noong 2009 at 2015 sa GMA.

Ilang taon man ang nagdaan, kinikilala pa rin ang mahusay na pagganap ni Kim Sun-a bilang Sam Soon at sa iba pa niyang programang pinagbidahan, gaya ng 'Queen of Masks' na ipinapalabas sa GMA Prime.

Sa ngayon, sa edad na 50, patuloy pa rin ang pagtatrabaho ni Sun-a bilang artista sa South Korea kung saan kinikilala siya bilang isa sa mga magagaling na aktres sa bansa.

Silipin ang buhay ni Kim Sun-a sa likod ng kamera sa gallery na ito.


My Name Is Kim Sam Soon
Aging gracefully
Golf
Stylish
Queen of Masks
Behind the scenes
Fit and fab
Korean heart
Telephone card
Throwback
As a tita
Travel
Duck face
Jump shot
Jaclyn

Around GMA

Around GMA

'Scared? Spill!' with Sanya Lopez and Jon Lucas
Senators eye higher pay for barangay officials, workers
Take a look at the holiday schedule of Intramuros sites