Nadia Montenegro, nagsalita tungkol sa kanyang bunsong anak

GMA Logo Nadia Montenegro's children
Source: @officialnadiam IG

Photo Inside Page


Photos

Nadia Montenegro's children



“Ayaw na ng anak ko.”

Iyan ang naging pahayag ni Nadia Montenegro nang tanungin siya kung gusto pa ba ng kaniyang anak na si Sophia na magkaroon ng koneksyon sa totoong ama, na diumano'y ang aktor na si Baron Geisler.

Sa panayam niya kay Julius Babao para vlog nitong Unplugged, ikinuwento ni Nadia na sa ngayon ay hindi interesado ang anak na magkaroon ng relationship sa tunay nitong ama.

Aniya, “Kasi, 'yung isang beses pa lang sila nagkita, 'tapos biglang in-announce na agad. Asan du'n ang intensyon mo; magkaroon ng relationship, o gusto mo ng views, gusto mo mapag-usapan, o gusto mo mag-promote?”

Nagpaalala rin ang batikang aktres na ilagay ng ama ni Sophia sa tama ang kaniyang intensyon dahil “ramdam na ramdam” niya umano kung ano ito.

Pagpapatuloy pa ni Nadia, “Ayaw na ng anak ko. And give me a reason why? Are you even worth it to be called a dad?”

Una nang napag-usapan sa vlog ang naging buhay ni Nadiya noon. Aniya, sa loob ng 19 years na naging tahimik siya tungkol sa kanyang bunsong anak, hindi naman niya ito itinago “sa mga taong dapat nakakaalam.”

Pahayag niya, "Hindi ko rin ito itinago sa mga mahal ko sa buhay, hindi ko tinago sa anak ko, hindi ko itinago kay Boy [Asistio], hindi ko itinago sa mga kapatid ko."

Pagpapatuloy niya, “In fact, all these years, it was so difficult for people to understand, 'Bakit okay sila? Bakit nagtagal sila ni Boy? Bakit sila okay ng mga anak niya kung may ganito?'”

Kuwento ni Nadia ay inayos, pinroblema, at pinlano niya umano ang lahat para pangalagaan ang pangalan niya at ng yumaong asawa niyang Boy, na dating alkalde ng Caloocan City.

Ngunit paglilinaw niya, “I don't think I owe anyone an explanation kung ano man ang ginawa ko sa buhay ko.”

Nilinaw rin niyang napatawad na siya ng asawang si Boy Asistio bago ito pumanaw noong 2017 at alam niyang maayos sila ng kaniyang mga anak.

Ikinuwento rin ni Nadia na two weeks bago pumanaw noon si Boy ay nagkaroon pa sila ng heart-to-heart talk. Ayon sa aktres, kung hindi ito nangyari, “Siguro baka hindi niyo na ako nakakausap ngayon 'cause it was the most valuable, most important conversation in 29 years.”

“Ang sinabi niya sa akin, 'Ipaglaban mo sila. Lahat ng binilin ko sa 'yo, inyo. At hangga't buhay ako, ako lang ang ama nila,'” pag-alala ni Nadia.

Paglilinaw ng aktres sa sinabi ng namayapang asawa, “Ang ibig sabihin niya du'n, 'Mawawala na 'ko, pero 'pag wala ko, lahat ng binilin ko sa inyo, hindi niyo bibitawan at ipaglalaban niyo lahat.”

Panoorin ang buong pahayag ni Nadia rito:

Samantala, tingnan ang mga naggagandahang anak ni Nadia sa galleryh na ito:


Nadia Montenegro
Husband
Alyssa Asistio
Dentistry
Alynna Asistio
Mother
Alyana Asistio
Culinary Arts
Anykka Asistio
Political Science 
Samantha Asistio
Civil engineer
Ayisha Asistio
Academics
Sophia Asistio
Last debutant

Around GMA

Around GMA

'Scared? Spill!' with Sanya Lopez and Jon Lucas
Senators eye higher pay for barangay officials, workers
Take a look at the holiday schedule of Intramuros sites