GMA Logo Baron Geisler
Source: baron.geisler/IG
What's Hot

Baron Geisler, inamin na may isa pang anak

By Kristian Eric Javier
Published March 23, 2024 4:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Baron Geisler


Baron Geisler on his children: “I have someone out there, I have a kid out there, another one.”

“I have someone out there, I have a kid out there, another one.”

Sa ganiyang paraan ipinaalam ng aktor na si Baron Geisler ang tungkol sa isa pa niyang anak sa ibang babae. Hiling ng aktor ay sana mas mabigyan pa niya ng oras ang kaniyang anak, kahit na pareho silang busy; siya sa trabaho, at ang kaniyang anak sa school.

Unang ikinuwento ni Baron ang tungkol sa kaniyang anak sa vlog ng talent manager at entertainment reporter na si Ogie Diaz. Hindi na nagbigay ng masyadong detalye ang aktor, bukod sa huli niya itong nakita noong six years old pa lang, at nakilala ng asawa niyang si Jamie Evangelista.

Kuwento ni Baron, una siyang nag-message sa kaniyang anak noong bago pumanaw ang kaniyang mommy. Sabi pa niya ay minessage niya ito ng 'Kamusta ka na?' ngunit hindi naman niya masabing siya ang tatay ng dalaga.

“Pero lagi akong naka-abang tapos umiiyak ako habang lango ako sa alak, 'mahal kita, mahal kita.' Kaya naka-relate ako kay Rustin sa Doll House, doon ako humugot kasi ang huling beses ko siyang nakita, five or six years old siya, then biglang dalaga na siya,” sabi niya.

Kaya naman, malaki ang tuwa niya at naiyak pa siya umano nang mag-reach-out ang kaniyang anak sa kaniya isang araw. Dagdag pa ng aktor, excited na siyang mayakap ang anak niya ngunit pinagsabihan siya umano ni Jamie na 'wag maging “creepy.”

SAMANTALA, ALAMIN KUNG BAKIT MAS GUSTONG MANIRAHAN NI BARON SA CEBU SA GALLERY NA ITO:


Ayon kay Baron, siya ang gumawa ng paraan para magkita sila ng anak. “Niligawan ko, slowly, slowly, hanggang sa na-develop na 'yung trust, doon na 'ko humirit ng 'Can I meet you?' o 'Where can I visit you?'”

Pinapunta naman siya ng kaniyang anak sa bahay nito at nang tanungin ni Baron kung maaari ba niyang isama ang “Mama Jamie” nito ay pumayag din ang kaniyang anak.

“Nagdala ako ng cake, bumili ako ng kumpletong set ng birthstone niya... kahit mahal. Sabi ni Jamie, 'Kaya ba natin 'yan? Mahal.' Sabi ko, 'Jamie, ang dami ko nang utang sa anak ko. Sige na, ito lang, bilhin natin,” sabi niya.

Masaya umano si Baron nang dumating sila at iniabot ang cake at ang dala niyang regalo. Ngunit ang kaniyang anak, nagalit dahil sa concern nito sa kaniya.

“Sa mga nabalitaan niya, naging concerned siya last year na parang 'Are you relapsing? Mama Jamie, is Tito Baron relapsing?'” pag-alala ng aktor.

Sa ngayon, ang plano ni Baron para makabawi sa anak ay magkaroon ng maraming oras para dito, kahit pa abala sila pareho sa trabaho at school.

“I'm really taking my career seriously, focusing para makapag-ipon para sa pang college ni Tali kailangan ma-prepare ko na rin,” sabi niya.

Dagdag pa ni Baron ay hindi niya inakalang aabot siya sa posisyon kung saan ang mga kinikita niya ay mapupunta sa kaniyang mga anak.

“I'm not yet there financially, ang dami ko pang tatrabahuhin. And I'm praying, each day, I'm grateful kay God na I get to do so many things so I'm praying na sana maging consistent talaga ako,” sabi niya.