Nikko Natividad, inamin ang nagawang pagkakamali kaugnay ng leaked video: 'Natukso, bumigay ako'

Nagsalita na si Nikko Natividad tungkol sa kumakalat na private videos, na iniuugnay sa kanya at tatlo pang mga aktor.
Sa interview Ogie Diaz, na inilabas noong Biyernes, March 6, sa YouTube, ikinuwento ni Nikko na inamin niya ang nagawang pagkakamali sa kanyang asawa.
Ikinasal si Nikko sa kanyang non-showbiz partner na si Cielo Eusebio noong October 2021, at biniyayaan sila ng dalawang anak na lalaki.
"Sabi ko nga po, walang words na pwedeng magpabawas o mag-cover up ng nagawa ko na— Kasi, nag-away kami ng asawa ko, kasi lasing ako, kasi may tampuhan kami--wala," sabi ni Nikko.
"Lahat nung ginawa ko mali. Sa madaling salita, sinabi ko sa wife ko, 'Nademonyo ako, natukso, bumigay ako.' It was 2022 o 2023 nangyari 'yon... Mali ako, nademonyo ako, iyon lang po. Walang dahil nag-away kami ng wife ko, walang ganun."
Ayon kay Nikko, hindi pa man lumalabas ang isyu ay mayroon na siyang kutob na lalabas ito.
Aniya, "Takot lang akong aminin sa wife ko kasi... Hindi ako nagbubuhat ng bangko, nu'ng nangyari 'to, unti-unti nagbabago na [ako]. Alam ng mga tao, alam ng wife ko na nagbabago na ako.
"Pero hindi ko lang kayang aminin sa kanya kasi natatakot akong mawala siya. So sabi ko na lang, pagsisisihan ko na lang sa sarili ko. Magbabago na lang, 'wag ko na lang aminin sa kanya.
"Pero nu'ng last year, pumuputok-putok na siya. May nagme-message na sa akin na binibenta na sa Telegram. Sabi ko, wala na ako lusot. Darating ang time [na] lalabas 'to. Sinusubukan ko lang po i-delay kasi nga ayokong mahiwalay ako sa pamilya ko. Ayokong masira. Pero alam ko na lalabas at lalabas po 'yon."
Ikinuwento rin ni Nikko ang panahon kung saan nagmakaawa siya sa Diyos na alisin na nito ang lahat, huwag lang ang kanyang pamilya. Humiling din siya na, "Please huwag mo nang ilabas. Sabi ko, magbabago ako. Nagmamakaawa ako sa kanya."
Dumating ang oras ng kinatatakutan ni Nikko, kung saan nalaman na ng kanyang asawa ang nagawang pagkakamali.
"Nung madaling araw ginising n'ya ako, nakita [na] niya. Iyak na siya nang iyak. Nagsisisigaw siya. Wala na akong magawa. Hindi ako makaiyak. Ang nasa isip ko lang, wala na. Huling pagsasama na namin."
Kuwento pa ni Nikko, nag-breakdown siya nang sa kabila ng galit ay "nakaramdam pa ng awa" sa kanya ang asawa.
"More on sa galit, nakaramdam pa siya ng awa sa akin. Doon ako nag-breakdown--na kinausap niya 'yung mommy niya, 'Paano si Nikko? Paano rin siya? Paano ko 'pag lalabas? Paano na rin daw 'yung buhay ko?' Nakaramdam pa siya ng awa sa akin na dapat hindi. Galit na galit ako sa sarili ko. 'Ba't ko sinira siya? Pamilya ko, sinira ko?"
Sa kabila ng lahat, ani Nikko, pinatawad siya ng asawa.
"Nu'ng pinatawad niya ako nakaramdam din ako ng saya. Lumilipas 'yung gabi, araw, na wala na akong dala-dala. Wala na akong takot na may lalabas kasi naamin ko na sa kanya. Alam n'yo na lahat. May tulong din na ang sarap magpatuloy," emosyonal na pagbabahagi ni Nikko.
Panoorin ang kabuuan ng panayam dito:
Samantala, balikan ang buhay ni Nikko bago maging miyembro ng Hashtags dito:










