Pagkikita nina Hope at Diane sa 'Unica Hija,' mangyayari na!

GMA Logo unica hija characters

Photo Inside Page


Photos

unica hija characters



Mangyayari na ang pinakahihintay na pagkikita nina Hope (Kate Valdez) at Diane (Katrina Halili) sa sinusubaybayang GMA Afternoon Prime series na 'Unica Hija.'

Sa episode ng top-rating afternoon drama ngayong Huwebes, January 26, mabubuhayan ng loob si Diane (Katrina Halili) matapos matunton ang laboratoryo ni Lucas (Bernard Palanca) kung saan naroon ang pinaghihinalaan niyang clone ng yumao niyang anak na si Bianca (Kate Valdez).

Kasabay ng pagbukas ng pag-asa para kay Hope, isang rebelasyon ang bubungad kay Ralph (Kelvin Miranda)--ang pagpondo ng kanyang inang si Tamara (Issa Litton) sa hindi makataong medical research na para pala sa kanyang potensyal na karamdaman.

Ano ang gagawin ni Ralph kapag nalaman niyang si Hope ang subject ng eksperimento?

Mapalayas na kaya sina Lorna (Maricar De Mesa) at Carnation (Faith Da Silva) kapag nabisto na ni Diane ang kanilang pagpapanggap?

At ano ang mangyayari sa pagkikita nina Diane at Hope?

'Yan ang dapat subaybayan sa 'Unica Hija' ngayong Huwebes, January 26, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Narito ang pasilip sa inaabangang episode:


Tamara's biggest secret
Carnation's next plan
Concern of a friend
Aica's wrath
Ralph asks for help
Ego of a scientist
Hope's last resort
A mother's love conquers all
Panunulsol ni Lorna
Mag-inang oportunista
Unconscious Lucas
Much-awaited scene
Longing for a mother's love
First meeting
Unica Hija

Around GMA

Around GMA

Firecracker-related injuries in Region 1 reach 29
Dueñas, Iloilo vice mayor's partner asked to undergo paraffin test – Iloilo police
Heart Evangelista teases new project on social media