GMA Logo unica hija characters
What's on TV

'Unica Hija,' patok online

By Jansen Ramos
Published January 20, 2023 5:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Flights cancelled, roads flooded as rare storm soaks UAE
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

unica hija characters


Top-rating na on air, may million views pa online ang GMA Afternoon Prime series na 'Unica Hija.'

Hindi lang sa TV rating namamayagpag ang pinag-uusapang drama sa hapon na Unica Hija, kundi online rin.

Patunay riyan ang million views na nakukuha ng programa sa official Facebook ng GMA Drama kung saan ina-upload ang episodic highlight videos nito.

Ang pag-amin ni Zach (Mark Herras) na "buhay" si Bianca (Kate Valdez) habang nag-aagaw-buhay sa ospital ay nakakuha ng one million views. Ang tinutukoy ni Zach ay ang clone ni Bianca na si Hope (Kate Valdez). Ipinalabas ang nasabing eksena noong January 12.

Tumabo naman sa 2.4 million views ang pinakahihintay na sagot ni Hope tungkol sa kanyang pagkatao na napanood sa January 13 episode ng Unica Hija. Dito ay inamin ni Lucas (Bernard Palanca) na produkto ng siyensa si Hope matapos nitong makita ang mga hindi makataong eksperimento ng una sa laboratoryo.

Ang pagkwestiyon ni Tamara (Issa Litton) kung paano tratuhin ni Lucas ang clone, kahit siya ang may pakana ng proyekto, ay sinubaybayan din ng mga manonood.

Ipinalabas ito noong January 17 at nakakuha ng 1.1 million views.

Para sa iba pang episodic highlights ng Unica Hija, bumisita sa GMANetwork.com/UnicaHija o sa official social media pages ng GMA Drama.

Mapapanood ang Unica Hija weekdays, 3:25 p.m., pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap sa GMA Afternoon Prime.

Ang livestreaming ng serye ay available sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

TINGNAN SA GALLERY NA ITO ANG ILANG LARAWAN MULA SA SET NG UNICA HIJA: