Paris outfits nina Ruru Madrid at Bianca Umali, dapat abangan sa finale ng 'The Write One'

GMA Logo Ruru Madrid at Bianca Umali

Photo Inside Page


Photos

Ruru Madrid at Bianca Umali



Talagang pinaghandaan ang magical finale ng number one romance fantasy drama on Philippine primetime na 'The Write One.'


Bonggang bongga ang location dahil sa Paris, France pa mismo kinunan ang mga eksena nito.


At dahil very fashionable ang crowd sa Paris, hindi nagpahuli ang mga bida ng serye na sina Kapuso stars Ruru Madrid at Bianca Umali sa mga outfits na binaon nila.

Si celebrity stylist John Paul Dizon ang naghanda at nag-curate ng mga damit na isusuot para sa finale nina Liam at Joyce, ang mga karakter nina Ruru at Bianca.

Ayon sa kanya, sa simula pa lang ng serye ay nagbibigay na raw siya ng pailan-ilang clues tungkol sa Paris sa pamamagitan ng mga kasuotan ng mga karakter.

"Kung mapapansin niyo sa mga outifts nila before, mayroon akong mga ini-inject na inspiration ng Paris. Si Savana or Joyce palagi siyang naka hat, tapos 'yung mga layering namin ni Liam parang manifestation siya na talagang gusto nila na mag-Paris," pahayag ni John Paul sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com.

Masaya raw siya at pinagkatiwalaan siya ng programa at maging nina Ruru at Bianca para sa styling.

"It's a once in a lifetime experience. Dream ko talaga na makagawa ng series shot in Paris. I think kaya okay kaming tatlo working together is dahil mayroon kaming trust sa isa't isa. I think that is the secret para maging successful ang styling," bahagi niya.

Hanga din siya sa dedikasyon nina Ruru at Bianca hindi lang sa pag-arte, kundi pati sa magandang pagdadala ng mga damit sa kanilang mga eksena sa Paris.

"Tiwala din ako na madadala nila kung ano ang ipasuot ko considering the weather sa Paris. Super thankful ako na game silang dalawa kahit na sobrang lamig minsan during tapings basta ma-execute lang my vision," lahad ni John Paul.

Silipin ang mga outfits nina Ruru Madrid at Bianca Umali, styled by John Paul Dizon para sa finale ng The Write One sa exclusive gallery na ito.

Abangan din ang nalalapit na pagtatapos ng The Write One, Monday to Thursday, 9:35 p.m. sa GMA, I Heart Movies at Pinoy Hits. May same-day replay rin ito sa GTV, 11:25 p.m. Maaari ring mag-stream ng advanced episodes nito, anytime, anywhere sa www.viu.com.


Ruru Madrid
Bianca Umali
Liam
Joyce
Casual
Orange
Boots
Movie star
John Paul Dizon
The Write One

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ