
Hindi dapat palampasin ang nalalapit na finale ng number one romance fantasy drama sa Philippine primetime na The Write One.
Talagang nag-all out ang programa at sa Paris, France pa kinunan ang huling episode nito.
Matatandaang sa pagsisimula ng serye, pangarap ng mag-asawang Liam (Ruru Madrid) at Joyce (Bianca Umali) ang makapunta sa Paris.
Ilang iconic locations sa Paris ang nagsilbing set para sa finale ng The Write One.
Siyempre, maraming mga eksena sina Ruru at Bianca bilang Liam at Joyce kung saan makikita ang Eifell Tower.
Kinunan ang mga ito sa Champ de Mars at Jardins du Trocadéro.
Bukod doon, may eksena rin sila sa Pont de Bir-Hakeim, isang pang much-loved location na madalas makita sa iba't ibang pelikula kabilang na ang Inception, starring Leonardo di Caprio.
Nag-shoot din sina Ruru at Bianca sa magandang tulay na Pont Alexandre III.
Maraming beses ding makikita ang iconic na Seine River sa ilang mga eksena sa finale.
Matapos ang lahat ng pinagdaanan ng mag-asawang Liam at Joyce, sa Paris na nga ba magtatapos ang kanilang kuwento?
Abangan ang nalalapit na pagtatapos ng The Write One, Monday to Thursday, 9:35 p.m. sa GMA, I Heart Movies at Pinoy Hits. May same-day replay rin ito sa GTV, 11:25 p.m. Maaari ring mag-stream ng advanced episodes nito, anytime, anywhere sa www.viu.com.
SILIPIN DIN ANG TAPING NG THE WRITE ONE SA PARIS SA EXCLUSIVE GALLERY NA ITO: