Pasig Mayor Vico Sotto, kailan mag-aasawa?

Isa sa pinakamaiinit na topic tungkol kay Pasig Mayor Vico Sotto ay ang kaniyang love life. Kaya maging si Igan Arnold Clavio, iyan ang naging tanong sa panayam nito para sa Unang Hirit kamakailan lang.
Sa naturang panayam, napansin ni Igan na tila paos at hirap magsalita si Vico. Aniya, mukhang subsob masyado si Mayor Vico sa trabaho at napapabayaan na ang sarili. Dahil dito, magandang may nag-aalaga umano sa naturang mayor.
Tanong ng batikang newscaster mula sa isang netizen, “Kailan ka raw mag-aasawa?”
Dagdag na tanong pa ni Igan, “Dudugtungan ko 'yan, 'yung puso mo, kamusta?”
“E, okay lang po, darating at darating naman po 'yan. Gaya po ng sabi mo, siguro nitong nakaraan, sobra sa trabaho rin,” sagot ni Vico.
Nang hingan naman siya ni Igan ng mensahe para sa nagbibigay ng inspirasyon sa kaniya, ang sagot lang ng butihing mayor ay ang mga tao ang nagbibigay ng inspirasyon sa kaniya.
Sa comments section, maraming netizen ang nagsabi na hindi pa kasi sila nakikikilala ni Vico o kaya naman ay wala sila sa Pasig kaya wala pa itong asawa.
Isang netizen naman ang nagsabing mahirap hulihin at mapaamin ang naturang mayor at sinabing magaling itong sumagot.
Sabi naman ng isa pang netizen, “Darating po yan sa buhay ni Mayor Vico.. IN HIS TIME.. Masarap mahalin bunga ng Panalangin.. ..”
Si Vico ay anak ng mga beteranong aktor na sina Vic Sotto at Coney Reyes. Sa panayam kay Coney sa Sept 2, 2024 episode ng Fast Talk with Boy Abunda, sinabi niyang hindi siya kailanman nangialam sa buhay pag-ibig ng anak.
Kuwento ng batikang aktres, “Hindi ako nakikialam. Mayroong mga gusto 'Tita, ipakilala natin si ganito si ganyan.' Sabi ko, 'Sorry 'di ako nakikialam.' Tapos sasabihin nila, 'Ang strict ni Tita.' Ay hindi sa strict! Hindi ako strict, kung strict ako e 'di bawal.”
Pag-amin ni Coney, noon ay mahilig din siyang tanungin si Vico kung meron na ba itong girlfriend o, gaya ng marami, kung kailang ito mag-aasawa. Ngunit kalaunan ay tinigilan na niyang magtanong sa anak ng may kinalaman sa pag-ibig.
Samantala, alamin kung sinu-sino ang mga babaeng parte ng buhay ni Mayor Vico Sotto? Kilalanin sila DITO:






























